Prangkisa ng Mislatel, hindi binawi – DICT

By Ricky Brozas January 27, 2019 - 06:53 PM

Contributed photo

Hindi binawi o na-revoke ang prangkisa ng Mindanao Islamic Telephone Company, Inc. (Mislatel) taliwas sa inihayag ni Senate Minority Leader Franklin Drilon. Ito ang mariing sinabi ni acting Secretary Eliseo Rio Jr. ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Matatandaan na noong nakaraang Huwebes (January 24), inihayag ni Drilon sa pagdinig sa Senado na ang proseso ng pagkakapili ng DICT sa ikatlong telco ay pumalpak dahil sa kawalan umano ng Mislatel ng prangkisa na itinatakda sa Terms of reference (MC-09-09-2018) dahil dito ang kanilang prangkisa ay maikukunsidera nang “ipso facto” o revoked.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Rio na ginawa ng National Telecommunications Commission (NTC) ang lahat para masiguro na nasunod ang lahat ng rekisito sa terms of reference.

Sinabi rin ni Drilon sa naturang pagdinig na nabigo ang presidente at chief operating officer ng Mislatel na si Nicanor Escalante na makakuha ng pahintulot ng Kongreso nang bilhin ng kanyang grupo ang mayorya ng sapi ng telco noong 2015.

Paglilinaw ni Rio, sumulat ang NTC sa Kongreso nang isagawa ang pre-qualification period kung may bisa pa ba ang prangkisa ng Mislatel. Ang naging tugon aniya ng Kongreso ay hindi pa ito kailanman na-revoke.

Sa makatuwid, sinabi ni Rio na dahil walang “declaration of revocation” mula sa mga kinauukulang ahensiya ay hindi maaring ikonsidera ng NTC na revoked o pinawalang-bisa na ang naturang prangkisa, kailangan din aniyang pairalin ang “presumption of regularity and validity“ ng prangkisa.

Sa huli, sinabi ni Rio na kapag basta-basta na lamang pinawalang bisa ang mga prangkisa katulad ng sa Mislatel nang walang due process ay magdudulot ito ng pagbagsak ng telecom industry sa bansa.

TAGS: dict, mislatel, Sec. Eliseo Rio, dict, mislatel, Sec. Eliseo Rio

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.