Ayon kay National Security Adviser Hermogenes Esperon, mass murderers ang mga suspek.
Sa ngayon, sinabi ni Esperon na inaalam na ng kanilang hanay kung may kaugnayan sa katatapos na plebisito ng Bangsamoro Organic Law (BOL) ang dalawang pagsabog.
Ayon kay Esperon, hindi niya hahayaang sirain ng mga suspek ang sentimyento ng mga taga-Mindanao na pumapabor sa BOL na magdudulot ng kapayapaan.
Dagdag ni Esperon, ang BOL ang tutuldok sa giyera sa Mindanao.
Ayon kay Esperon, nagpatupad na nang mahigpit na seguridad ang mga awtoridad sa Sulu pati na sa ibang lugar ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Naniniwala si Esperon na ang kapayapaan at giyera ang dapat na manaig sa Mindanao region ngayong tapos na ang ratipikasyon ng BOL.