EU, nakiramay sa mga biktima ng Sulu bombing
Nagparating ng pakikiramay ang European Union (EU) Delegation of the Philippines sa pamilya ng mga nasawi at nasugatan sa dalawang pagsabog sa Jolo, Sulu.
Sa isang pahayag, sinabi ni EU Ambassador to the Philippines Franz Jessen, nakikisimpatya siya sa mga Pilipino sa naganap na pag-atake.
Aniya, resilient, steadfast at collaborative ang mga Pinoy kung kaya’t makikita pa rin ang mga nasabing ugali sa ganitong sitwasyon.
Hindi bababa sa 27 ang nasawi habang 77 ang nasugatan sa pagsabog sa Mount Carmel Cathedral sa Sulu.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.