Gov. Hataman, pinakakalma ang mga taga-Sulu matapos ang pagsabog

Hinikayat ni Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Governor Mujiv Hataman ang mga residente ng Sulu na manatiling kalmado matapos ang pagsabog sa lalawigan.

Ito ang kaniyang inihayag sa isang panayam sa Laguiningan airport.

Aniya, wala siyang nakikitang koneksyon ng nangyaring pagsabog sa pag-ratipika ng Bangsamoro Organic Law (BOL).

Hindi aniya nagpahayag ang Abu Sayyaf Group (ASG) o ang ISIS ng kanilang panig kung pabor o hindi sa BOL.

Ngunit, sinabi ni Hataman na ang ASG lamang ang may kapasidad na gawin ang naturang pag-atake.

Naganap ang pagsabog sa Mount Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu bandang 8:15, Linggo ng umaga (January 27).

Read more...