Bilang ng mga nasawi at nasugatan sa Sulu bombing, nadagdagan pa
(Updated) Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi at sugatan sa pagpapasabog sa loob at labas ng Mount Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu Linggo ng umaga (January 27).
Sa huling tala ng Police Regional Office-Autonomous Region in Muslim Mindanao (PRO-ARMM) bandang 1:10 ng hapon, pumalo na sa 27 na katao ang nasawi habang 77 naman ang sugatan sa pagsabog.
Ayon sa PRO-ARMM, sa bilang ng mga nasawi, pito rito ay mula sa hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP), isa sa Philippine Coast Guard (PCG) at 19 naman ang sibilyan.
Samantala, sa mga sugatan naman, 14 katao ang mula sa AFP, dalawa sa Philippine National Police (PNP), dalawa sa PCG at 59 na sibilyan.
Sa ngayon, dinala ang pitong iba pang sugatan sa Zamboanga City sa pamamagitan ng helicopter.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.