Isa sa mga nasawi sa Sulu bombing, nakilala na

Nakilala na ang isa sa mga nasawi sa pagsabog sa Mount Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu.

Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) spokesman Captain Armand Balilo, nakilala ang isa sa mga nasawi na si Seaman second class Jay Pee Galicha.

Sugatan naman sina Petty officer 3 Joemar Sanson at Paulo Isolana.

Ayon kay Balilo, nasa kritikal na kalagayan ngayon si Sanson at ililipat sa Zamboanga city para mabigyan ng medical treatment.

Ayon kay Balilo, pawang nakatalaga sa K9 units ang tatlong personnel ng Philippine Coast Guard.

Nabatid na nagsisimba ang tatlo sa Mount Carmel nang maganap ang pagsabog.

Inatasan na rin ni Coast Guard commandant admiral Elson Hermogino ang lahat ng distrito, stations at sub stations lalo na sa mga lugar na sakob ng Bangsamoro Organic Law (BOL) na paigtingin pa ang seguridad sa mga pantalan at terminal para hindi na maulit ang kahalintulad na insidente.

Read more...