Katulad ng rehabilitasyon sa isla ng Boracay ang gagawin ng gobyerno sa Manila bay rehab.
Ito ang sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Puyat kasabay ng pagsasabi na kailangang mag-secure muli ng mga establisimiyento na nakapaligid sa Manila ng permit mula sa gobyerno para sila ay makapag-operate.
Sinabi naman ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu na mag-iisyu sila ng cease and desist orders sa apat na business establishments malapit sa Manila Bay na nakitaang lumabag sa environmental laws.
May tagubilin din ang kalihim sa mga DENR officials at MMDA na mag- isyu ng cease and desist orders sa violators ng batas.
Nabatid na sa unang sigwada ng Manila bay rehab ay mahigit 5,000 volunteers at government employees ang nakiisa sa solidarity walk.
Aminado si Cimatu na ang pinakamahirap sa rehabilitasyon ng Manila bay ay ang sustainability.
Maglalabas din ng direktiba si Cimatu para sa mga informal settlers na nakatira sa may waterways na lisanin na ang nasabing lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.