Mga nasa likod ng pagsabog sa Sulu, hindi sasantuhin ng Malakanyang

By Chona Yu January 27, 2019 - 01:45 PM

Mariing kinondena ng Palasyo ng Malakanyang ang magkasunod na pagsabog sa Mount Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu na ikinasawi ng halos 20 katao.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, kumikilos na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at iba pang law enforcement agency para papanagutin sa batas ang mga salarin ng pagpapasabog.

Ayon kay Panelo, nakikiramay ang Palasyo sa mga pamilya ng mga nasawi.

Abala na rin aniya ang pamahalaan sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga nasugatan.

Ayon kay Panelo, mistulang hinamon ng mga salarin ang pamahalaan na ipakita ang lawak ng kapangyarihan nito para tiyakin ang kaligtasan ng mamayan.

Wala aniyang sasantuhin ang pamahalaan na at tutugisin ang mga salarin para papanagutin sa batas.

Hindi aniya mahahabag at maawa ang gobyerno at ipatutupad ang kaukulang batas laban sa mga salarin.

TAGS: Jolo, Mount Carmel Cathedral, Palasyo ng Malakanyang, Sec. Salvador Panelo, Sulu, Jolo, Mount Carmel Cathedral, Palasyo ng Malakanyang, Sec. Salvador Panelo, Sulu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.