Pag-ratipika sa BOL, nagbigay ng bagong pag-asa sa mga taga-Mindanao – Palasyo

By Chona Yu January 27, 2019 - 01:29 PM

Naniniwala ang Palasyo ng Malakanyang na nagbigay ng bagong pag-asa sa mga taga-Mindanao region ang pagkakaratipika ng Bangsamoro Organic Law (BOL).

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, ang ratipikasyon ng BOL ay boses ng mga Moro na panahon na para tuldukan ang kaguluhan at kahirapan.

Sa ngayon, sinabi ni Panelo na wala pang naitatalaga si Pangulong Rodrigo Duterte na bubuo sa 80-member na Bangsamoro Transition Authority.

Hinihikayat din ng palasyo ang mga taga Mindanao na suportahan ang mga tatayong lider ng Bangsamoro region para tuluyan nang makamit ang inaaasam na pagbabago.

TAGS: BOL, Mindanao, Palasyo ng Malakanyang, Sec. Salvador Panelo, BOL, Mindanao, Palasyo ng Malakanyang, Sec. Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.