Pagkakapasok ng Pilipinas sa mga bansang mayroong magandang market, welcome sa Palasyo

By Chona Yu January 27, 2019 - 01:27 PM

Welcome sa Palasyo ng Malakanyang ang ulat ng US news and world report ranking na nasa ika-50 puwesto ang Pilipinas bilang isa sa mga bansa na mayroong magandang market sa pagnenegosyo at iba pa.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, patuloy na pagsusumikapan ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na mapaganda pa ang business climate sa bansa at mahikayat ang mga mamumuhunan na mag-negosyo sa Pilipinas.

Base sa survey, nasa ika-22 ang puwesto ng Pilipinas sa adventure, ika-26 sa open for business, ika-37 sa emerging market for business, investment at tourism.

Kumpiyansa aniya ang Palasyo na patuloy na gaganda pa ang presyo ng Pilipinas sa pandaigdigang kompetisyon dahil sa mga programa na inilatag ng administrasyon.

TAGS: BUsiness, Market, Palasyo ng Malakanyang, Sec. Salvador Panelo, BUsiness, Market, Palasyo ng Malakanyang, Sec. Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.