Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi at nawawala sa pag-collapse ng isang dam sa southeast Brazil.
Naganap ang trahedya sa Vale mine malapit sa Belo Horizonte city sa Minas Gerais state noong araw ng Biyernes (January 25).
Sa ngayon, 34 katao na ang kumpirmadong patay habang nasa 300 naman ang bilang ng mga nawawala.
Karamihan sa mga nawawala ay mga empleyado o contractor ng mining firm na Vale.
Ayon sa rescue officials, triple ang itinaas ng bilang ng mga nakuhang bangkay mula sa makapal na putik.
Samantala, umabot naman sa 170 ang nasagip kung saan 23 sa mga ito ay dinala sa ospital dahil sa mga tinamong injury.
Tiniyak ni Brazilian President Jair Bolsonaro na patuloy na aalamin ang naging sanhi ng trahedya para makamit ang hustisya at maiwasan ang iba pang katulad na insidente.
Ipinag-utos na rin ni Bolsonaro ang pag-deploy ng 1,000 sundalo kabilang ang sniffer dogs sa lugar.
Dose-dosena na ring helicopters ang umiikot para sa ikinasang rescue operations.