P3.1M na halaga ng shabu, nakuha sa Cebu City; Suspek, timbog

File photo

Nakumpiska ang mahigit P3.1 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang anti-illegal drug operation sa Cebu City, Sabado ng gabi.

Ayon sa hepe ng Mamabaling Police Precinct na si Chief Insp. Francis Renz Talosig, arestado ang suspek na si Joshua Amigable, 19-anyos, sa bahagi ng Barangay Basak San Nicolas.

Sinabi ni Talosig na nakuha ang ilang pakete ng shabu mula kay Amigable.

Sa ngayon, nakadetine na ang suspek sa Mambaling Police Precinct detention cell.

Read more...