Manila Bay rehab, uumpisahan na ngayong Jan. 27

 

Sisimulan na ngayong araw (January 27) ang rehabilitasyon ng Manila Bay.

Batay sa abiso ng Department of Environment and Natural Resources o DENR, magkakaroon ng “rehabilitation launch” kung saan inaasahang makikibahagi ang mga kaukulang ahensya ng pamahalaan na katuwang sa proyekto.

Alas-sais ng umaga ay mag-uumpisa ang assembly ng participants sa Quirino Grandstand.

Pagdating naman ng alas-syete ng umaga ay gagawin na ang “Solidarity Walk” patungong Bay-walk, Roxas Boulevard.

Ayon kay DENR Secretary Roy Cimatu, humigit-kumulang limang libong katao ang inaasahang sasali sa kick-off ng Manila Bay rehab.

Bukod naman sa Manila Bay, mayroon ding gagawing simultaneous cleanup activities sa Las Piñas, Navotas, at mga lalawigan ng Bulacan, Bataan at Pampanga.

Nauna nang sinabi ni Cimatu na target ng DENR na mapababa ang coliform level sa Manila Bay, na nadiskubreng nasa 1.3 billion most probable number o MPN kada 100 milliliters.

 

Read more...