Vice Mayor Victor Perete, itinalaga bilang acting mayor ng Daraga, Albay
Itinalaga ng Department of Interior and Local Government o DILG Regional Office V si Victor Perete bilang Acting Mayor ng Daraga, Albay.
Si Perete, na siyang bise alkalde ng bayan, ang hahalili muna kay Daraga Mayor Carlwyn Baldo na itinuturong mastermind sa pagpatay kay Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe.
Si Baldo ay inaresto kamakailan dahil sa kasong illegal possession of firearms and ammunition matapos marekober ang ilang baril, bala at granada sa kanyang compound.
Batay sa memorandum na may petsang January 25, 2019 at pirmado ni Atty. Anthony Nuyda, ang DILG Regional Office V director, dahil “under detention” si Baldo ay magsisilbing acting mayor muna si Perete.
Matatandaan na makalipas na maaresto ay isinugod si Baldo sa ospital dahil tumaas ang blood pressure at nakaranas umano ng hyperventilation.
Noong December 22, 2018, pinagbabaril sina Batocabe at police escort nito sa Barangay Burgos, sa Daraga.
Si Batocabe sana ang makakatunggali ni Baldo sa mayoralty race sa Daraga sa May 13 elections.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.