‘Dambuhalang Pangit’ dapat na gibain

June 23, 2015 - 05:30 PM

torre-de-manila
Inquirer file photo

Dapat gibain na ng DM Consunji Inc. (DMCI) ang Torre de Manila.

Ito ang tahasang pahayag ni Quezon City Rep. Winston Castelo, Chairman ng House Committee on Metro Manila Development.

Ayon sa mambabatas, dismayado siya sa naging tila desekrasyon ng naturang proyekto sa Dambana ni Rizal sa Luneta Park.

Dapat rin aniyang agad na irefund ng kumpanya ang perang ibinayad ng mga nagpa-reserve na ng unit sa Torre de Manila at kung hindi, kanilang ipapanawagan na ma-blacklist na ito sa pakikipagtransaksyon sa Gobyerno.

Samantala, tinawag ni Ako Bicol PL Rep. Rodel Batocabe na isang “Pambansang Kahihiyan” ang kontrobersyal na DMCI Condominium na Torre de Manila.

Ayon kay Batocabe, bukod sa pagiging Pambansang ‘Photobomber’ ang Torre de Manika, isa rin itong ‘National Shame’ at ‘Dambuhalang Pangit.’

“Ang Rizal Monument, naging national kahihiyan na. Importanteng simbolo, pero bawat pagbisita, bawat pagpunta ng head of state, makikita ay dambuhalang panget. Walang puwang ang condo na yan,” pahayag ni Batocabe. –  Isa Avendaño-Umali/Inquirer.net

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.