Presyo ng produktong petrolyo, muling tataas sa Martes
Muling magpapatupad ng taas presyo sa produktong petrolyo epektibo sa Martes January 29.
Nasa pagitan ng P0.50 at P0.60 ang dagdag sa kada litro ng diesel, habang P0.20 hanggang P0.30 sa gasolina at P0.50 hanggang P0.60 sa kerosene.
Ito na ang ikaapat na linggo ng oil price increase ngayong Enero.
Mula umpisa ng 2019, mahigit P3 ang itinaas ng presyo ng diesel habang mahigit P2 naman sa gasolina at kerosene.
Bukod sa paggalaw ng presyo ng petrolyo ay nagdagdag na ang ilang gasolinahan ng mahigit P2 kada litro na excise tax.
Kaya kung pagsasamahin ang taas presyo at dagdag buwis ay mahigit P5 ang iminahal ng diesel, mahigit P4.50 sa gasolina at lampas P3 ang kerosene.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.