Central Luzon at Calabarzon, bahagi ng paglilinis ng Manila Bay

By Len Montaño January 26, 2019 - 07:50 PM

Inihayag ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na magkakaroon din ng paglilinis sa Central Luzon at Calabarzon bilang bahagi ng rehabilitasyon ng Manila Bay.

Ayon kay DENR Undersecretary Benny Antiporda, magkakaroon din ng clean up efforts sa Pampanga, Nueva Ecija at Bataan sa Region III at sa Cavite sa Region IV-A.

Simultaneous anya ang paglilinis sa naturang mga lugar kasabay ng Manila Bay clean up.

Tiniyak ng DENR na kasado na ang plano kasama ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ibang ahensya.

Dagdag ni Antiporda, maski ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ay nagpahayag ng suporta sa paglilinis ng Manila Bay.

Samantala, ang mga condominium, hotel, restaurant at shopping center na nagtatapon ng wastewater sa Manila Bay ay bibigyan ng notice of violations.

Sa pag-aaral anya ng Laguna Lake Development Authority, 4 hanggang 5 establisyimento ang pangunahing dahilan ng polusyon sa Manila Bay.

TAGS: calabarzon, Central Luzon, DENR, Manila Bay, Manila Bay clean-up, Manila Bay clean-up drive, Manila Bay Rehabilitation, calabarzon, Central Luzon, DENR, Manila Bay, Manila Bay clean-up, Manila Bay clean-up drive, Manila Bay Rehabilitation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.