Pangalan ng 13 na nakabinbin pa ang pagkandidato sa midterm elections, inilabas ng Comelec

Inilabas ng Commission on Elections (Comelec) ang 13 pangalan na nakabinbin ang certificates of finality para sa 2019 midterm elections.

Unang inanusyo ng Comelec na 76 kandidato ang bahagi ng partial list ng senatorial candidates sa halalan sa Mayo.

Ang bilang ay mula sa 152 aplikasyon na tinanggap ng poll body noong Oktubre.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, hinihintay pa nila ang certificates of finality sa mga kaso ng 13 indibidwal na gustong tumakbong Senador.

Ang 13 anya ay pwedeng hindi na makasama sa pinal na listahan.

Hanggang araw ng Sabado ay walang inilabas na certificates of finality sa sumusunod:

ALBA, ALBERT

ANSULA, ERNESTO

ARPA, HUSSAYIN

DAVID, RIZALITO

DE ALBAN, ANGELO

ENCARNACION, ALEXANDER

GEROY, GEREMY

ILIW ILIW, WILLIAM

JAVELONA, JOSEFA

MARQUEZ, NORMAN

MERANO, ROLANDO

NAVAL, FRANK

NEGAPATAN, ERIC

Read more...