Pulis-Bacolod, patay sa pamamaril

By Len Montaño January 26, 2019 - 04:02 PM

Patay ang isang pulis makaraang pagbabarilin sa harap ng JR Torres Elementary School sa Bacolod City.

Kinilala ang biktima na si SPO4 Oscar Exaltado, deputy chief ng Police Station 6 sa lungsod.

Nagtamo ito ng maraming tama ng bala ng baril sa kanyang katawan at dead on the spot.

Ayon sa ulat, papasok si Exaltado sa trabaho sakay ng kanyang motorsiklo ng pagbabarilin ng mga suspek na sakay naman ng dalawang motorsiklo.

Isang saksi ang nagsabi na isang lalaki na pinaniniwalaang nagsilbing look-out ang kasama ng mga suspek at kinuha ang baril ng pulis.

Nabatid na nakuha pang mabaril ni Exaltado ang mga suspek pero nasawi na ito matapos tamaan sa ulo.

Narekober sa lugar ang 21 na basyo ng bala na pininiwalaang galing sa 45 at 9mm caliber.

Inaaalam ni Sr. Insp. Elmer Bonilla, BCPO Station 6 chief, kung may kinalaman sa trabaho ang pagpatay kay Exaltado.

TAGS: Bacolod Police, patay sa pamamaril, Pulis, SPO4 Oscar Exaltado, Bacolod Police, patay sa pamamaril, Pulis, SPO4 Oscar Exaltado

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.