SWS nagbabala tungkol sa pekeng pre-election surveys
Nagbabala ang Social Weather Stations (SWS) sa publiko tungkol sa paglipana ng mga pekeng pre-election surveys ngayong papalapit ang May 2019 elections.
Sa isang statement, sinabi ng SWS na dahil sa paparating na eleksyon, maraming surveys ang isinasagawa ng iba’t ibang grupo.
Gayunman, marami umano sa mga grupong ito ay hindi lehitimo.
Giit ng SWS, ang kanilang interviewers ay nakasuot ng valid identification cards na may logo ng SWS, may pangalan at lagda ng mismong nag-iinterview at may validity period.
Pinayuhan ng SWS ang publiko na tumingin lamang sa kanilang official website para sa mga advisories, announcements at reports.
Ang mga indibidwal na nagnanais na tiyakin ang authenticity ng SWS interviewers ay maaring makipag-ugnayan sa kanilang nag-iisang opisina sa Sikatuna Village, Quezon City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.