‘Good’ satisfaction rating ng Gabinete, welcome sa Malacañang

By Rhommel Balasbas January 26, 2019 - 03:48 AM

Welcome sa Palasyo ng Malacañang ang ‘good’ satisfaction rating ng Gabinete ng administrasyong Duterte sa fourth quarter ng 2018 ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).

Mula sa +32 noong Setyembre 2018 ay tumaas ng tatlong puntos ang kasiyahan ng publiko sa Senado o +35 nitong Disyembre na nasa klasipikasyong ‘good’.

Ito ang pinakamataas mula sa +38 na naitala noong Disyembre 2017.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ang rating na ibinigay sa Gabinete ay magsisilbing inspirasyon sa gobyerno upang paghusayan pa ang trabaho nang sa gayon ay maisakatuparan ang pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na komportableng pamumuhay para sa mga Filipino.

“The satisfactory rating given to the President’s Cabinet certainly is a source of inspiration for us to work harder to give full realisation to the commitment of President Rodrigo Duterte of providing comfortable life to the Filipinos,” ani Panelo.

Wala anyang puwang ang ‘complacency’ o pagiging kampante sa natitirang tatlong taon at kalahati ng administrasyon.

“Complacency has no room in the remaining three and a half years of the administration as we marshall all our energies and talents in assisting the President give fruition to his single-minded goal of bringing about the desired changes in our society,” dagdag ng kalihim.

Hinimok ni Panelo ang mga Filipino na isantabi ang pagkakaiba-iba at magkaisa para sa pag-unlad ng bansa.

TAGS: Duterte cabinet satisfaction ratings, Malacanan Palace, Presidential Spokesperson Salvador Panelo, sws survey, Duterte cabinet satisfaction ratings, Malacanan Palace, Presidential Spokesperson Salvador Panelo, sws survey

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.