Satisfaction ratings ng mga sangay ng gobyerno, tumaas sa Q4 ng 2018 ayon sa SWS

By Rhommel Balasbas January 26, 2019 - 03:25 AM

Tumaas ang satisfaction ratings ng mga sangay ng pamahalaan batay sa fourth quarter survey ng Social Weather Stations (SWS).

Ang satisfaction rating ng Senado ay tumaas ng isang grado patungong ‘very good’ o +58 mula sa +48 noong Setyembre.

Ito na ang pinakamataas na satisfaction rating ng Senado mula rin sa ‘very good’ na +67 noong August 2012.

Ang Mababang Kapulungan naman ay nanatili sa ‘good’ ngunit tumaas ng apat na puntos o +40 mula sa +36 noong third quarter.

Ito ang pinakamataas na rating ng Kamara mula noong Hunyo 2016 na +42 na nasa klasipikasyon ding good.

Mula sa +31 ay tumaas naman ng anim na puntos ang satisfaction rating ng Korte Suprema para maitala ang +37 o nasa gradong ‘good’.

Ang Gabinete naman ay nagtala ng +35 na satisfaction rating mula sa +32 noong Setyembre.

Ito ang pinakamataas para sa Gabinete simula sa +38 noong Disyembre 2017.

Isinagawa ang survey mula December 16 hanggang 19 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,440 adults sa buong bansa.

TAGS: Duterte cabinet, House of Representatives, satisfaction ratings, Senate, Supreme Court, Duterte cabinet, House of Representatives, satisfaction ratings, Senate, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.