BOL ratification, makasaysayang tagumpay – VP Robredo

By Isa Avendaño-Umali January 25, 2019 - 10:20 PM

 

Isang makasaysayang tagumpay na dapat ipagmalaki ng lahat ng mga Pilipino lalo na ng mga taga-Mindanao ang ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law o BOL.

Ito ang pahayag ni Vice President Leni Robredo kasunod ng pagratipika ng Commission on Elections o Comelec sa BOL.

Kasabay nito, hinimok ni Robredo ang publiko na bantayan at suportahan ang patuloy na pagsulong ng naturang proseso dahil hindi pa nagtatapos ang laban para sa kapayapaan.

Aniya, kailangang siguraduhin ng pamahalaan, sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang sektor, na maging pundasyon ang BOL ratification sa pagpapalakas ng mga institusyong magdadala ng maunlad na ekonomiya at responsableng mga lokal na pamahalaan sa bagong tatag na Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

Dagdag ni Robredo, sa matagal na panahaon ay marahil marami ang nagsabing mananatiling pangarap lamang ang kapayapaan sa Mindanao. Pero pagkatapos aniya ng ilang taon ng pagsisikap at pakikipag-usap, sakripisyo at paniniwala ay sa wakas, ang pangarap na iyon at abot-kamay na rin.

Nananalig din ang bise presidente na kapayapaan ang magdadala sa bawat mamamayan ng Bangsamoro ng magandang buhay.

TAGS: Bangsamoro Organic Law, BOL, Vice President Leni Robredo, Bangsamoro Organic Law, BOL, Vice President Leni Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.