“One Faith, One Nation, One Voice” prayer rally, isinagawa
Nagsama-sama ang iba’t ibang grupo sa isang prayer rally sa Rajah Sulayman Plaza sa Malate, Maynila para kondenahin ang administrasyon ni Pangulong RodrigoDuterte.
Ang pagtitipon ay tinawag na “One Faith, One Nation, One Voice prayer rally” na dinaluhan ng mga miyembro ng simbahang Katolika, human rights advocates at mga kritiko ng pamahalaan.
Kanilang panawagan, “katotohan, hustisya, kalayaan at kapayapaan” sa kasalukuyang estado ng bansa sa pamumuno ni Presidente Duterte.
Kabilang sa mga dumalo ay si Bishop Teodoro Bacani, iba pang church leaders at ilang militanteng mambabatas.
Bukod sa sabayang pagdarasal, nagkaroon din ng eulogies at pagbasa ng mga tula na alay sa mga nasawi sa ilalim ng Duterte administration, partikular ang mga sinasabing biktima ng “war on drugs.”
Giit din nila, hindi “stupid” ang Diyos, taliwas sa remarks ni Pangulong Duterte.
Higit sa lahat, nais ng mga nagrally na tapusin na ang Martial Law sa Mindanao region at pagbasura sa panukalang ibaba ang edad ng criminal responsibility sa mga batang nagkakasala sa batas.
Matapos naman ang interfaith rally ay bumuo sila ng human chain.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.