Isabela, nagtala ng Guinness Book of World Records sa pinakamaraming sabay-sabay na nagsayaw

By Erwin Aguilion January 25, 2019 - 08:53 PM

Ilagan City, Isabela- Nakapagtala ng panibagong record ang lalawigan ng Isabela matapos masungkit ang Guiness Book of World Records para sa pinakamaraming sabay-sabay na nagsayaw na nakasuot ng scarecrow.

Personal na tinanggap nina Isabela Governor Faustino “Bojie” Dy at Vice Governor Tonypet Albano ang pagkilala mula sa adjudicator ng Guiness.

Ito ay matapos saksihan ng mga kinatawan ng Guiness Book of World Records ang sabayang pagsasayaw ng mga taga Isabela na animo’y mga scarecrow.

Ayon sa adjudicator ng Guiness ang kailangan lamang lalawigan ay ma-break ang 250 person na record at limang minutong sabayang pagsasayaw.

Matapos anya ng kanilang ginawang beripikasyon kabuuang 2495 ang sabay-sabay na nagsayaw na nakasuot ng scarecrow.

Ang paggagawad ng parangal ay iginawad sa lalawigan ng Isabela kasabay ng Bambanti Festival kung saan nagpakita ng kanilang kagalingan sa pagsayaw at paggawa ng mga costumes ang mga taga Isabela.

Bilang tugon pinasalamatan naman ni Governor Dy ang mga taga Guiness gayundin ang kanilang mga kababayang Isabeleño dahil nasungit nila ang world record.

Nasa 25 bayan at lungsod mula sa lalawigan ang lumahok sa street dance parade competition na isinagawa sa Isabela Provincial Sports Complex.

TAGS: 2019 Bambanti Festival, Guiness Book of World Records, isabela, Isabela Governor Bojie Dy, scarecrow, 2019 Bambanti Festival, Guiness Book of World Records, isabela, Isabela Governor Bojie Dy, scarecrow

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.