Final list ng mga kandidato sa 2019 midterm elections, ilalabas na ng Comelec
Isasapubliko na ng Commission on Elections (Comelec) sa Sabado (January 26) ang “final list” ng mga kandidato para sa May 2019 midterm polls.
Ayon kay James Jimenez, tagapagsalita ng Comelec, nasa 77 ang mga potensyal na kandidato sa pagka-senador habang nasa 134 naman ang party-list groups ang makakasabak sa halalan.
Gayunman, sinabi ni Jimenez na maaaring mabawasan pa ang senatorial candidates na makakatakbo sa eleksyon sa May 13.
Ito ay dahil may nakabinbing kaso sa Comelec ang 14 na senatorial aspirants na nasa listahan.
Sa ngayon, ani Jimenez, ay hinihintay pa ang “certificate of finality” para sa14 na kandidato.
Kabilang sa mga kandidato sa pagka-Senador na may kinakaharap na kaso sa Comelec ay sina Senador Koko Pimentel at dating Senador Sergio Osmeña III.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.