Update
Patay ang isang pulis makaraang pagbabarilin sa Quezon City, Biyernes ng hapon (January 25).
Ayon kay Quezon City Police Station (QCPD) chief Joselito Esquivel, ang pamamaril ay naganap sa bahagi ng Kalayaan Avenue kanto ng Kamias Road.
Sa inisyal na impormasyon, nasa dalawang lalaki ang suspek sa pamamaril sa pulis.
Isinugod naman ang biktima sa East Avenue Medical Center, pero dead-on-arrival na ito sa ospital.
Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga suspek at kung ano ang motibo sa krimen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.