Ayon kay Chief Supt. Joel Coronel, Central Luzon police chief, ang nasawi ay mga lumabag sa gun ban at sangkot sa shootout sa mga pulis sa pagtakas sa mga checkpoints sa rehiyon mula January 13 hanggang 24.
Nakumpiska naman ang 38 na armas mula nang ipatupad ang gun ban sa lugar alinsunod sa Commission on Elections (Comelec) Resolution No. 10446.
Ayon kay Coronel, kabilang sa mga ito ang 4 na Granada.
Iginiit naman ni Coronel na patuloy ang naturang hakbang para matiyak ang seguridad sa halalan sa May 13.
Hinimok din ng police official ang publiko na makipag-tulungan para sa maayos na eleksyon at ireport sa Central Luzon police ang anumang iregularidad sa lugar.