Tiyuhin ng 12-anyos na batang ginilitan sa leeg sa Caloocan, kinasuhan na

By Isa Avendaño-Umali January 25, 2019 - 06:52 PM

Sinampahan na ang kasong murder ang tiyuhin ng isang 12-anyos na babae na ginilitan sa leeg sa Caloocan City.

Ang suspek ay kinilalang si Reynaldo Urbano, na pangunahing salarin sa pagpaslang sa pamangkin na si Myrrhaquel Singson.

Sumailalim na si Urbao sa inquest proceedings Biyernes ng hapon (January 25).

Ayon sa Caloocan PNP, “morally convinced” sila na si Urbano ang pumatay sa kanyang pamangkin batay sa mga testimonya ng mga testigo at mga nakalap na ebidensya.

Maging ang piskal ay kumbinsidong may probable cause para sampahan ng kasong murder si Urbano.

Pinag-aaralan naman kung sasampahan din ng kasong theft ang suspek dahil nawawaa ang dalawang cellphone na nasa bahay ng biktima.

Nauna nang sinabi ng mga pulis na walang forced entry sa bahay noong araw na naganap ang krimen.

May impormasyon din silang nakalap na ang tiyuhin ng biktima ay nakiligo raw sa bahay bago ang insidente.

TAGS: caloocan pnp, ginilitan sa leeg, kasong murder, Myrrhaquel Singson, Reynaldo Urbano, caloocan pnp, ginilitan sa leeg, kasong murder, Myrrhaquel Singson, Reynaldo Urbano

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.