Pari kabilang sa nadakip sa buy-bust sa Cavite

Isang umano’y pari ang kasama sa dalawang naaresto sa buy-bust operation sa Bacoor City, Cavite.

Ang operasyon ay isinagawa ng Bacoor City Police katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Tagumpay Compound, Tabing Dagat sa Barangay Alima huwebes ng gabi.

Ayon kay SPO1 Christian Rosales, inaresto ang pari na kinilalang si Fr. Richard Alcantara makaraang mabilhan ng P200 na halaga ng shabu.

Kilala din umano itong tulak ng droga sa kanilang barangay.

Naaresto din ang kasama ng pari na nakilala lamang sa alyas Perling habang isa pang kasamahan nila ang nakatakas.

Ang nasabing pari ay sinasabing miyembro ng Sacred Order of St. Michael at dating miyembro ng Catholic Church for England and Wales.

Read more...