Hinaing ng pamilya ng SAF 44 hinggil sa hindi pa naibibigay ang buong tulong-pinasyal, aalamin ng Malakanyang

By Dona Dominguez-Cargullo January 25, 2019 - 04:23 PM

Aalamin ng Malakanyang ang balitang hindi pa natatanggap ang financial assistance ng mga pamilya ng mga nasawing SAF 44.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, aalamin nila ang katotohanan hinggil sa hinaing ng mga naulila ng SAF commandos.

Una rito, sinabi ni Helen Ramacula, ina ni PO2 Rodel Ramacula na hindi pa naibibigay sa kanila ang kulang na P87,000.

P300,000 ang ipinangakong tulong ng dating administrasyong Aquino sa pamilya ng SAF 44.

Ayon naman kay Philippine National Police Spokesperson Sr. Supt. Bernard Banac, naipamahagi na ng PNP ang buong tulong pinansyal sa mga naulilang pamilya.

TAGS: mamasapano encounter, Radyo Inquirer, saf 44, mamasapano encounter, Radyo Inquirer, saf 44

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.