Pangulong Duterte may mga bagong hinirang na opisyal ng gobyerno

May mga bagong talagang opisyal sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan si Pangulong Rodrigo Duterte.

Itinalaga ng pangulo si Felicisimo Budiongan bilang bagong undersecretary ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Papalitan ni Budiongan si Hope Hervilla.

Samantala, itinalaga naman ng pangulo si Miguel Ermitaño Umali bilang bagong miyembro ng board of directors ng Philippine National Construction Corporation o PNCC.

Itutuloy ni Umali ang termino ni dating Board Member Mario Espinosa hanggang sa June 30, 2019.

May mga bago ring itinalang piskal ang pangulo sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Kabilang dito si Jocelyn Santiago, bilang Assistant Provincial Prosecutor sa Cavite; Ricardo Yao Atanacio Jr., bilang Assistant Provincial Prosecutor sa Nueva Ecija; Romulo Maristaza Jr. at Crispulo Abayon III, bilang Assistant City Prosecutors sa Sta. Rosa City.

Read more...