Comelec tumatanggap na ng mga PWD para maging kanilang empleyado
Nagsimula na ang Commission on Elections (Comelec) sa pagtanggap ng application papers ng mga PWD o Persons With Disability para maging kanilang empleyado.
Ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon ang mga PWD na makapapasa o matatanggap ay kanilang itatalaga bilang mga staff sa Office for Overseas Voting.
Kwalipikado para mag-apply ang mga edad 18 pataas at may kakayahan na mag-insert o magpasok ng mga papel sa envelope para sa mailing section.
Sinabi ni Guanzon na kabilang din sa tatanggapin ng Comelec ang mga aplikante na may autism at down syndrome.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.