Mga kaanak ng SAF 44 nagprotesta sa DOJ

By Dona Dominguez-Cargullo January 25, 2019 - 03:43 PM

Nagsagawa ng kilos protesta sa harap ng Department of Justice (DOJ) ang mga kaanak ng mga nasawing SaF 44.

Ito ay kasabay ng ikaapat na anibersaryo ng tinaguriang Mamasapano massacre sa Tukanalipao, Maguindanao na ikinamatay ng 44 na SAF trooper.

Sa isinagawang protesta, iginiit ng mga kaanak na hanggang sa ngayon ay mailap pa rin ang hustisya para sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Umapela ang mga ito sa DOJ na mabigyang hustisya ang sinapit ng SAF troopers sa kanilang special mission sa Mamasapano noong Enero 2015.

Anila, wala pa ring tuldok sa inihaing reklamo ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) at ng pamilya ng SAF 44 laban kina dating Pangulong Noynoy Aquino.

Inalala din ng mga kaanak ang pag-downgrade pa ng Office of the Ombudsman sa kaso laban kina Aquino at sa iba pang respondents sa graft case na lang at usurpation of authority.

TAGS: mamasapano encounter, saf 44, mamasapano encounter, saf 44

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.