Heart relic ni St. Camillus, patron ng mga may sakit at health workers, darating sa bansa

CBCP Photo

Matapos ang pagdating sa bansa ng relic ni Saint Padre Pio noong nakaraang taon, isang na namang relic santo ang nakatakdang dumalaw sa Pilipinas sa Pebrero.

Sa isinagawang press conference ng mga miyembro ng ng Camillians o Order of the Ministers of the Infirm, inanunsyo ang pagbisita ng heart relic ni Saint Camillus De Lellies sa February 2 hanggang March 31.

Si St. Camillus ay patron saint ng mga maysakit, nurse, doctor at health workers.

Ang santo ay dating sundalo na naging health worker at tumutulong sa mga mahihirap na may sakit.

Sinabi ni Bishop Oscar Florencio ang kahalagahan ng mga imahen o relic ng mga santo.

Habang nasa bansa sa loob ng dalawang buwan, dadalhin sa iba’t ibang lalawigan at lungsod ang heart relic ni St. Camillus.

Read more...