Pagdinig sa kaso ni Kerwin Espinosa itinigil muna ng korte

By Ricky Brozas January 25, 2019 - 03:15 PM

Kuha ni Ricky Brozas

Pansamantalang mahihinto ang paglilitis ni Judge Silvino Pampilo Jr. sa kaso laban sa self-confess drug lord na si Kerwin Espinosa.

Sa ginanap na pagdinig, Biyernes, Jan. 25, itinakda na sa Marso 2019 ang pagtutuloy ng pagdinig sa kaso laban kay Espinosa, bilang tugon na rin sa kahilingan ng magkabilang kampo.

Ito ay dahil hindi pa nakapaghahain ng formal offer of evidence si Senior Assistant City Prosecutor Antonio Valencia dahil sa maraming dokumento na dapat pang ihanda.

Kailangan din na makasagot sa naturang offer of evidence ang kampo ni Espinosa bago isalang sa witness stand.

Bukod sa kasong may kinalaman sa illegal na droga, si Espinosa ay may kasong illegal possession of firearms din.

TAGS: drug cases, kerwin espinosa, Radyo Inquirer, drug cases, kerwin espinosa, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.