Sa mosyon na inihain sa anti-graft court, sa February 7 hanggang 22 nais makabalik ng Singapore ng mag-asawa para maipagpatuloy ang chemotherapy treatment ni Syjuco Jr., para sa sakit niyang leukemia.
Una nang sinabi ng mag-asawa na hanggang Pebrero 18 lang tatagal ang pagpapagamot Syjuco Jr.
Pero umapela silang palawigin ito hanggang sa February 22.
May bagong gamot kasi umano na kailangan ding ibigay sa dating TESDA chief.
Sa resolusyon naman ng Sandiganbayan Third Division pinayagan ang kahilingan ng mag-asawa.
Inatasan lamang silang maghain ng P460,000 na travel bond.
Ang mag-asawa ay nahaharap sa mga kaso kaugnay sa maanomalyang paggamit ng public funds.