Filipino domestic helper sinentensyang makulong ng isang linggo sa Hong Kong dahil sa pagnanakaw ng HK$100 sa amo
Sinentensyahang makulong ng isang linggo sa Hong Kong ang isang Filipino domestic helper.
Ito ay matapos siyang mahuli na nagnanakaw ng HK$100 (P672) mula sa kaniyang employer sa Braemar Hill.
Naghain ng guilty plea sa korte ang Pinay na kinilala lamang bilang Melody C.F., 36 anyos nang siya ay isailalim sa arraignment noong January 21.
Agad hinatulan ng isang linggong pagkakabilanggo ang Pinay.
Sa ulat ng Hong Kong News, sinabing nagawa ng Pinay ang pagkakasala dahil kailangan niya ng pera para sa pag-aaral ng anak.
Noon lamang Sept. 2018 nagsimula sa kaniyang employer si Melody, pero simula 2008 ay nagtatrabaho na itong domestic helper sa Hong Kong.
Napansin ng kaniyang amo na madalas siyang mawalan ng pera.
Dahil dito, tinandaan ng kaniyang amo an serial numbers ng kaniyang pera at saka inilagay sa bag.
Nang siya ay makauwi, napansin niyang nabawasan ng KH$100 ang pera at doon na siya tumawag ng pulis.
Ang pera ay nakita sa wallet ni Melody at tumugma ito sa serial number na naisulat ng amo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.