10,000 barangay sa bansa, drug-free na ayon sa PDEA

By Dona Dominguez-Cargullo January 25, 2019 - 02:13 PM

Inquirer.net Photo | Noy Morcoso

Aabot na sa 10,000 mga barangay sa buong bansa ang maituturing nang drug free.

Ayon sa datos ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) as of Dec. 2018 ay 10,000 barangay na ang malinis sa ilegal na droga.

Para lamang sa buwan ng Disyembre noong nakaraang taon, nasa 496 na mga barangay ang naideklarang drug-free.

Sa ngayon, sinabi ng PDEA na mayroon pang 22,467 na mga barangay sa bansa ang may umiiral pa ring kalakaran ng ilegal na droga.

Samantala, para sa taong 2018, umabot sa P25.62 billion ang halaga ng laboratory equipment at illegal drugs ang nasabat ng PDEA. Sa nasabing bilang, P18.83 billion ay shabu.

Nakapag-dismantle din ang PDEA ng nasa 271 na drug dens noong nakaraang taon.

TAGS: drug free barangays, PDEA, Radyo Inquirer, drug free barangays, PDEA, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.