Midterm elections tatalakayin sa plenary assembly ng mga obispo

By Dona Dominguez-Cargullo January 25, 2019 - 11:23 AM

Muling magtitipon-tipon ang mga obispo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) para sa plenary assembly simula sa Sabado, Jan. 26.

Kabilang sa matatalakay sa nasabing pagtitipon ang magaganap na eleksyon sa May 13, 2019.

Ayon kay Fr. Marvin Mejia, secretary general ng CBCP, kadalasan kasing hinihingan silang guidance ng mga botante kapag halalan.

Maarin ding maglabas ng pahayag ang CBCP na magsisilbing gabay ng mga botante sa gagawin nilang pagboto.

Gaya ng dati, sinabi ni Mejia na hindi mag-eendorso ng sinumang kandidato ang CBCP.

Lalaminin aniya ng ipalalabas na gabay kung anong karakter ang dapat na meron ang isang kandidato na karapat-dapat na iboto at ihalal sa pwesto.

TAGS: 2019 midterm elections, CBCP, plenary assembly, 2019 midterm elections, CBCP, plenary assembly

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.