3 miyembro ng Maute terror group patay, 3 sundalo sugatan sa bakbakan sa Lanao del Sur

File Photo

Patay ang tatlong miyembro ng Maute terror group habang may iba pang mga sumuko sa bakbakan na naganap sa Lanao Del Sur.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay 103rd Infantry Brigade Commander, Col. Romeo Brawner, nakubkob ng militar ang kuta ng grupo sa Sultan Dumalundong at Marogong sa Lanao del Sur.

Nakasagupa aniya ng mga tropa ng pamahalaan ay ang grupo ng Maute na pinamumunuan ni Owaida Marohombsar, alyas Abu Dar at tatlo sa mga sundalo ang nasugatan.

Sinabi ni Brawner sa bulubunduking bahagi ng Sultan Dumulundong sa Lanao Del Sur ang nakubkob ng mga sundalo kung saan maliban sa tatlong nasawi ay dalawang Maute pa ang sumukod.

Sa ngayon, patuloy ang operasyon ng militar laban sa iba pang miyembro ng grupo na pinaniniwalaang nasa 30 ang bilang, gayundin sa lider na si Abu Dar.

Nanawagan naman si Brawner sa mga residente sa lugar na huwag mag-panic dahil confined lang sa bulubunduking bahagi ng Sultan Dumalundong ang bakbakan.

Samantala, sinabi ni Sr. Supt. Madzgani Mukaram ng Lanao del Sur provincial police naglagay na sila ng roadblocks sa mga lansangan sa lugar para maiwasang makatakas si Abu Dar at kaniyang mga tauhan.

Read more...