Suspek sa panghahalay sa isang sanggol patay matapos mang-agaw ng baril

By Ricky Brozas January 25, 2019 - 09:30 AM

Patay ang isang suspek sa panghahalay sa walong buwang gulang na sanggol makaraang mang-agaw ito ng baril habang nasa himpilan ng pulisya sa Maynila.

Idineklarang dead-on-arrival sa Ospital ng Maynila ang preso na si Benedicto Dizon, 22 anyos matapos siyang mabaril Station Commander ng MPD Station 9.

Ayon kay SPO3 Richard Escarlan ng Homicide Section ng MPD naaresto ang suspek at nakakulong sa Station 9 ng MPD dahil sa panghahalay 8 buwang na sanggol.

Paliwanag ni Escarlan dumaing umano ng sakit ng ulo si Dizon base na rin sa pahayag ng ‘mayor’ ng selda na si John Gilbert na siyang tumawag sa atensyon ni PO1 Dennis Javier, ang duty jailer at sinabing sumasakit ang ulo ng suspek.

Dinala si Dizon sa loob ng opisina ng station commander at binigyan pa ng kape kaya’t tinanggal ang posas nito.

Gayunman, nang-agaw umano ng baril at pinaputukan nito si PO1 Javier pero hindi tumama ang bala ng baril kaya’t napilitan na bumunot ng baril si P/Supt Bobby Glenn Ganipac at pinaputukan ng dalawang beses sa dibdib si Dizon.

TAGS: Manila Police District, Radyo Inquirer, Rape Suspect, Manila Police District, Radyo Inquirer, Rape Suspect

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.