CBCP humingi ng dasal sa publiko para kay Pangulong Duterte
Hiniling ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President at Davao Archbishop Romulo Valles sa mga Filipino na higit na ipagdasal si Pangulong Rodrigo Duterte at ang mga opisyal ng pamahalaan at mga lingkod bayan upang gabayan ng Panginoon sa kanilang pagsisilbi.
Sinabi ni Archbishop Valles kapag ipinalangin ang mga kabutihan ng mga naglilingkod sa pamahalaan, ang makikinabang ay ang nakararaming mamamayan at ang buong bansa.
Unang dito, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na sa halip na batikusin ang kasalukuyang administrasyon ay ipagdasal na lamang ito sa ikatatagumpay ng pamamahala sa bansa.
Tiniyak naman ng Simbahang Katolika na patuloy itong nagdadasal hindi lamang para kay Pangulong Duterte kundi maging sa lahat ng namumuno sa pamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.