Matapos ideklarang Ebola free, panibagong kaso ng sakit naitala sa Liberia

Ebola Inq fileNakapagtala na naman ng panibagong kaso ng sakit na Ebola virus sa Liberia.

Ito ay matapos maideklara nang Ebola free ang nasabing bansa noong buwan ng Setyembre.

Ayon sa World Health Organization (WHO) isang panibagong kaso ng Ebola ang muling nakumpirma sa Liberia. “There is one confirmed case,” ayon kay WHO spokesman Tarik Jasarevic.

Magugunitang umabot sa libo-libo ang nasawi sa nasabing west African nation dahil sa Ebola.

Simula nang maideklara ang outbreak sa Liberia umabot sa mahigit 10,600 ang naitalang kaso at 4,808 ang nasawi.

Ang epidemya ng Ebola na nagsimula noong December 2013 ay nakapagtala na ng 11,300 na nasawi mula sa Guinea, Liberia at Sierra Leone.

Read more...