International inquiry sa pagpatay sa journalist na si Jamal Khashoggi pangungunahan ni Agnes Callamard
Pangungunahan ni United Nations Special Rapporteur on Extrajudicial, Summary or Arbitrary Executions Agnes Callamard ang imbestigasyon sa pagpatay sa Saudi Journalist na si Jamal Khashoggi.
Ayon kay Callamard sa susunod na linggo ay biyaheng Turkey siya para pamunuan ang independent international inquiry.
Si Khashoggi na kritiko ng crown prince ng Saudi ay pinatay habang nasa loob ng konsulada sa Istanbul noong Oct. 2.
Ayon kay Callamard, tatagal siya sa Turkey hanggang sa February 2, 2019.
Pag-aaralan umano niyang mabuti ang lahat ng siekumstansya sa kaso.
Ang magiging resulta ng imbestigasyon ay iuulat sa sesyon ng UN Human Rights Council sa June 2019.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.