2 sugatan sa aksidente sa Marcos Highway

Dalawa ang sugatan sa aksidenteng naganap sa Marcos Highway sakop ng Antipolo City.

Tumagilid ang isang pampasaherong jeep sa Westbound lane ng nasabing kalsada.

Biyaheng Cogeo – Cubao ang jeep na ayon sa mga saksi ay mabilis ang takbo bago naganap ang pagtagilid.

Halos puno umano ng pasahero ang jeep nang mangyari ang aksidente.

Kumalat ang krudo ng jeep sa kalsada at tatlong linya ang sinakop nito.

Dinala sa ospital ang dalawang pasaherong nasugatan na nagtamo lamang naman ng gasgas at bukol.

Hawak na rin ng mga otoridad ang driver ng jeep.

Bago mag alas 6:00 ng umaga, naialis na sa lugar ang jeep at nalinis na rin ang kalsada kaya nadaraanan na ito ng mga motorista.

Read more...