5 arestado sa magkakahiwalay na buy-bust sa QC

By Dona Dominguez-Cargullo January 25, 2019 - 06:59 AM

Lima ang naaresto sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa Quezon City sa magdamag.

Sa 20th Avenue sa Cubao, balik-kulungan si Alyas Cris matapos mahulihan ng 10 sachet ng hinihinalang shabu.

Ayon sa QCPD Station 7, kalalaya lamang ni Cris mula sa bilangguan noong Mayo dahil din sa kasong may kaugnayan sa ilegal na droga.

Sa Barangay Pasong Tamo naman, arestado ang dalawang lalaki matapos mahulihan din ng 10 sachet ng shabu.

Ayon naman sa mga kagawad ng barangay, kalalaya lang din ng dalawang suspek na kapwa nakulong dahil sa ibang kaso.

Habang sa Barangay Culiat naman, arestado ang mag-live-in partner dahil din sa ilegal na droga.

Nakuha sa kanila ang 2 sachet ng hinihinalang shabu.

TAGS: Buy Bust operations, quezon city, Buy Bust operations, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.