1 sugatan sa karambola ng mga sasakyan sa Maynila

By Dona Dominguez-Cargullo January 25, 2019 - 06:48 AM

Isa ang nasugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Mabini Bridge sa Maynila.

Na-sandwich ang closed delivery van sa isang tank truck at isang 10-wheeler truck.

Dahil dito, naipit sa van ang driver na si Larry Advincula.

Inabot ng isang oras bago tuluyang natanggal sa pagkakaipit si Advincula na nagtamo ng sugat sapaa at agad itinakbo sa ospital.

Sa paunang imbestigasyon, patungong Maynila ang tatlong sasakyan nang maganap ang aksidente.

Nawalan umano ng preno ang 10-wheeler truck kaya sinalpok nito ang likuran ng van.

Tumama naman ang van sa isa pang sasakyan na nasa kanyang harapan.

TAGS: accident, manila, Nagtahan Bridge, accident, manila, Nagtahan Bridge

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.