Mamasapano encounter ginugunita ngayong araw

Ginugunita ngayong araw ang Mamasapano encounter na naganap noong Jan. 25, 2015.

Isasagawa ang Day of National Remembrance para sa SAF 44 sa headquarters ng Special Action Force sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City alas 8:30 ng umaga.

Gagawin ang aktibidad sa mismong memorial ng SAF 44.

Magsisilbing guest of honor at speaker sa aktibidad si PNP chief Oscar Albayalde.

Isang misa muna ang idaraos alas 7:00 ng umaga na susundan ng wreath laying ceremony at commemoration program.

Read more...