Ayon kay Supt. Deanry Francisco ng Pasay City police, kabilang sa mga nadakip ang mga naaktuhang nag-iinuman sa kalsada na labag sa ordinansa ng lungsod.
Mayroon ding nahulihan ng baril at mga bala.
Dinampot din ang mga barker na nagtatawag ng mga pasahero sa mga hindi tamang sakayan.
Aniya, lalo lang nagdudulot ng traffic ang pagtatawag ng mga pasahero sa hindi tamang sakayan gayung mayroon namang designated na lugar kung saan talaga dapat magsasakay.
Regular na isinasagawa ang anti-criminality operation sa lungsod upang masawata ang mga lumalabag sa ordinansa.
MOST READ
LATEST STORIES